News and Updates

Unang araw ng ARDCI Chairpersons’ Assembly ginanap sa Cam Sur

Share This:

Kasalukuyang ginaganap ang Chairpersons’ Assembly ng ARDCI Microfinance, Incorporated sa lalawigan ng Camarines Sur na dinaluhan ng humigit kumulang na 250 Chairpersons mula sa iba’t ibang Saving and Loan System (SLSs) ng ARDCI MFI sa nasabing probinsiya.

Ito ang unang araw ng Chairpersons’ Assembly ngayong taon at ito ay gaganapin sa iba’t ibang probinsya ng Bicol kagaya ng Sorsogon, Albay, at Catanduanes upang mabigyan ng updates ang mga miyembro tungkol sa mga pagbabago sa organisasyon at sa pamamalakad nito.

Gayundin, ito ang pagkakataon ng mga miyembro na kinakatawan ng kanilang Chairperson na maipaabot sa pangasiwaan ng ARDCI MFI ang kanilang mga katanungan at proposisyon.